Wednesday, March 19, 2014

Ang Ahas Na Si Ingrata

NAAAWA ako sa mga magulang ko dahil niloko sila ng taong pinagmalasakitan nila.

Ang akala ko tatlong aso, dalawang tarantula at ilang mga isda lang ang inaalagaan namin. Di namin napansing pinasok na kami ng ahas. Galing sa Mindoro.

ANG AHAS NA SI "INGRATA"

Siya si "Ingrata." Itinuring siyang malapit na kaanak at pinag-aral pa. Kahit na may kalokohang ginawa noong nasa Romblon pa siya, binigyan pa rin ng isa pang pagkakataong mag-aral matapos niyang makiusap sa mga magulang ako at nangakong magbabago na.

At dahil likas na maawain at mapagbigay ang mga magulang ko, pinag-aral siyang muli sa Cavite simula noong 1st Sem, AY 2012-2013. Noon ko lang rin siya nakilala.

Hindi namin siya itinuring na iba. Sinasama siya tuwing namamasyal kami, binibilhan ng kung anu-anong mga gamit, hinayaan siyang gawin ang gusto niya. At kahit di niya ginawa ang responsibilidad niya sa bahay, hinahayaan na lang siya basta mag-aral lang siya.

Binalaan na kami noon ng mga malalapit niyang kaanak tungkol sa kaniya. Sa kabila nito, binigyan pa rin siya ng pagkakataon ng mga magulang ko.

Pero madaling-araw ng Huwebes, March 13, habang tulog pa kaming lahat, lumayas na siya sa bahay namin. Nalaman niya kasing kumpirmado na naming niloloko niya kami para sa ilang libong piso.

SUSUNOD: Simula ng imbestigasyon

No comments:

Post a Comment

What do you think?

Note: Only a member of this blog may post a comment.