Saturday, February 26, 2011

Mga Salin sa Wikang Filipino--Opisina at Programa sa UP

Kanina lamang habang nagsasaliksik ako para sa research paper sa Political Economy, nakita ko sa isang tabi ang isang memorandum mula kay Galileo S. Zafra, Ph. D., direktor ng Sentro ng Wikang Filipino ng UP, para kay Prof. Elena E. Pernia, dekano ng UP College of Mass Communication. Ang memorandum ay noon pang Abril 10, 2008 at kasama nito ay isang glosari ng mga salin sa wikang Filipino ng mga pangalan ng opisina, programang pang-akademiko, etc. sa UP Diliman.

Naaliw ako, kaya gusto ko itong ibahagi sa inyo ang ilan rito. At dahil mag-aaral ako ng mass communication, dito ako magfo-focus:

Mga Departamento:

College of Mass Communication
= Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla

Film Institute = Linangan ng Pelikula

Office of Extension, Research and Publication
= Opisina ng Ekstensiyon, Pananaliksik at Publikasyon

Department of Broadcast Communication
= Departamento ng Broadkasting
(o Departamento ng Isinasahimpapawid ng Komunikasyon)

Department of Communication Research
= Departamento ng Pananaliksik sa Komunikasyon

Department of Graduate Studies
= Departamento ng Araling Gradwado

Department of Journalism
= Departamento ng Peryodismo

Mga Araling Pang-akademiko:

Bachelor of Arts in Broadcast Communication
= Batsilyer sa Arte ng Broadkasting

Bachelor of Arts in Communication Research
= Batsilyer sa Arte ng Pananaliksik

Bachelor of Arts in Film
= Batsilyer sa Arte ng Pelikula

Bachelor of Arts in Journalism
= Batsilyer sa Arte ng Peryodismo

Master of Arts in Media Studies
= Master sa Arte ng Araling Pang-midya

Doctor of Philosophy (Communication)
= Doktorado sa Pilosopiya (Komunikasyon)

Mabuhay ang lahing Pinoy! ;)

No comments:

Post a Comment

What do you think?

Note: Only a member of this blog may post a comment.