Sunday, February 27, 2011

Text Usap: Ang Muling Pagkabuhay ni Ogz

Sunday morning. Tinanghali na ako ng gising. Matapos ang ilang araw ng pagpupuyat ay nakabawi na rin sa wakas ng masarap na tulog. Patayo na ako nang biglang nag-text ang kaibigan kong si Ogz na Jejemon-style, stage 1, kung mag-text (pero hindi ko na gagayahin ang estilo niya sa kwento kong ito).

Ogz: Gandang umaga! Sa wakas! matapos ang mahabang pagkahimlay [sa mundo ng group messaging] nabuhay na muli ako! Hahaha! Baka hindi ninyo ako nakikilala [bago ang cp number]. Ogz here!

Me: Haha! Welcome back, Ogz! Buti naman bumangon ka na sa hukay mo! Ako, heto maganda pa rin, bwahahahah!

Ogz: Wala pong nagtatanong.

Me: [snub, tseh!]

Matapos ang ilang minuto, ay muling nag-text si Ogz. Forwarded quote nga lang, na ilang beses ko na rin natatanggap. Ang cheeeeessssy! Pero for the benefit of those who haven't read it yet, I'm writing it for you.

Ogz: Isang araw, nagtanong ang estudyante sa kaniya guro. BOY, "Teacher ano po ang love." Sumagot si TEACHER, "pumunta ka sa hardin. Hanapin mo ang pinakamagandang dahon at dalhin mo sa akin." Sinunod ni Boy ang gusto utos ng teacher niya. Ilang minuto na ang lumipas at bumalik si BOY, "Teacher, may nakita ko na po ang pinakamagandang dahon, kaso naghanap pa ako ng iba dahil baka meron pang mas maganda. Pero wala akong nakita. Kaya binalikan ko ang dahon. Kaya lang pagbalik ko, wala na ito roon." Sumagot si TEACHER,"Ganiyan ang love. Madalas nandiyan na sa harap mo ang hinahanap mo. Pero dahil naghanap ka pa ng higit pa, iniwan mo ito. Pero hindi ka na nakakita ng iba, kaya binalikan mo, pero wala na ito roon...." Correct! GM

Nakalimutan ko na ang katapusan ng kilometric na quote na ito. Pero ito ang sagot ko sa bawat taong nagse-send nito sa akin.

Me: In correct, your honor! Kapag nakita mo na ang pinakamagandang bulaklak, huwag mo itong pipitasin. Malalanta lamang ito, mamamatay, at tuluyang mawawalan ng ganda! Kaya huwag mong pipitasin, hayaan mo itong mamuhay. Bwahahah!

Ogz: Mali rin! Dahon kaya ang pinag-uusapan, hindi bulaklak! hehehe

Me: [napaisip pa at binasa uli ang text] Ay, uu nga noh, hahahah! Pareho lang rin un. Bwahahaha! Piz bro, mabuhay ka!

Ogz: ., hehe !, peace tyo thx. , kaw lang nag welcome back sken ee !, mabuhay k din

Awww! Ogz talaga!

No comments:

Post a Comment

What do you think?

Note: Only a member of this blog may post a comment.